Monday, January 10, 2011

Mga Ayaw Ko sa Horror/Slasher Movies


Maraming tao sa buong mundo ang mahilig sa horror movies. Ano kamo? Patunay? Tse! Basta alam ko! Ninja Pig ako eh. Wag ka nang kumontra. Anyway, mahilig din ako sa horror movies. Kahit `yung ibang horror movies na gawang Pinoy eh nagugustuhan ko din. `Yung iba lang ha. Madalas kong magustuhan mga horror movies na si Kris Aquino ang bida eh. Kahit na malayo ang ugali ng character niya sa totoong buhay. TROLOLOL.

Pero kahit mahilig ako sa horror movies, meron paring mga dahilang mejo napapataas ang kilay ko hanggang batok. Tulad nalang ng mga `to:
  • Kapag may kumaluskos, may nabagsak na bagay o kung ano man. Tapos `yung bida o isa sa mga biktima eh magsasabi ng, "May tao ba jan?" and the like
So kelangan talaga sumigaw o magsalita? Hindi pwedeng i-check ang lugar nang tahimik? Kasi obvious naman na may something na naggalaw nung bagay diba? Hindi naman pwedeng hangin lang. Unless masyadong malakas ang hangin galing sa labas at kayang tangayin ng hangin ang bagay na nabagsak. Pero kahit na, nakakatanga parin kung magtatanong ka kung may tao ba dun dahil kung ikaw mismo ang killer at pumasok ka sa bahay nang walang paalam kasi nga papatayin mo `yung tao, syempre hindi ka naman sasagot ng, "Ah oo. May tao. Ako. Pumasok ako nangg patago sa bahay mo para patayin ka eh. Sorry kung natakot kita sa kaluskos na nagawa ko ha?" Ulul.
  • Tatawag sabay i-a-announce na killer sila
*Phone rings*
Ikaw: Hello?
Killer: Mahaha! Ako ang psycho axe murderer! Papatayin kita!
Ikaw: Oh tapos? Tinatanong ko ba kung sino ka?
So may ganun talaga? Kelangan talagang i-announce na psycho axe murderer siya? Eh paano kaya kung i-announce ko din na, "Ah okay. Ako naman ang bida sa horror movie na `to. At papatayin kita mamaya bago mo ako mapatay." Kaloka. *taas kilay to the highest level*
  • Sex scenes
Okay joke lang. Sabihin na nating gusto `to ng karamihan sa mga tao. Hehe. Pero isasama ko parin dito kasi madalas sa horror movies, may sex scene. Lalo na kapag high school ang theme. At sa mga high school na theme, meron syempreng magkarelasyong Jock at Cheerleader na kinaiinisan ko gawa ng ugali. Pero gorabels nalang. Mamamatay din naman sila for sure at magugustuhan `yun ng mga tao pwera nalang sa mga manyak. Madalas, ang jock ay leader ng football team. Ang cheerleader naman na girlfriend niya, head ng cheerleading squad, pokpokin, maarte, laging nagpapaganda, kikay pero bobo. Parehas silang bully. At parehas din silang malibog kaya para mas interesting ang horror movie, magkakaroon sila ng umaatikabong kinky sex scene tapos biglang darating si killer at uunahing patayin si bimbo cheerleader. Tapos ang jock naman na mas malaki pa sa muscles ang utak eh susubukang patayin/labanan si killer pero dahil nga bobo rin siya at walang diskarte, mapapatay din siya ni killer.
  • Kapag nakaramdam na may sumusunod sa kanya, imbis na pumunta sa madaming tao eh pupunta pa sa eskinita
Like duh? Sino namang tutulong sa'yo sa eskinita? Syempre kung andun ka sa maraming tao, malaki ang chance na mabuhay ka kasi pwedeng maligaw mo siya o kaya eh tulungan ka ng mga tao kapag inatake ka niya. Pero sa eskinita? Bakit? Magiging aswang ka ba or something tapos kakainin mo ang killer na sumusunod sa'yo kaya dinala mo siya sa eskinita? Uluuul. Pwera nalang kung sa eskinita talaga ang daan mo pauwe. Pero sana kasi pumunta ka nalang sa bahay ng kaibigan mo na hindi dadaan sa madilim kung feeling mo eh mas sumusunod sa'yo. O kaya, sa pulisya. Speaking of police..
  • Huling dumarating ang mga pulis
Hindi lang sa horror movies, sa action movies din! Pwera nalang kung pulis ang bida, pulis na siya eh. TROLOLOL. Pero ayun nga. Kung kelan napatay na ng bida ang killer o multo (?) at kung kelan napakarami nang namatay, tsaka darating ang mga pulis! Wow ha, bawas trabaho nga naman noh? Checheck nalang `yung nangyare, rereport, titingnan `yung mga namatay, etcetera. Tss. Meron din namang mga pulis na pwedeng tumutulong sa mga biktima sa bandang gitnang parte ng movie, pero madalas napapatay din naman sila. Hehehe. Madalas pa, sila `yung mga bigla nalang gigilitan ng leeg habang nakaupo sa loob ng police car at umiinom ng kape. Tse!

Marami pang nakakainis at nakakatangang ka-ek ekan sa horror/slasher movies pero next time nalang `yung iba para.. Suspense! Dun dun dun dun!! TROLOLOLOL. XD So ayun, kagaya ng ibang horror/slasher movies na nambibitin, mambibibitin  rin ako. Abangan niyo kung meron pa talagang part 2 ang post na `to o talkshit na wala na talagang kasunod. Mag-isip kayo! Paganahin ang utak hindi katulad ng bimbo cheerleader! Mag-isip kayo at wag matulog hangga't hindi ako nagpopost ng bago. XD Ha? Bakit mag-iisip kung pwede namang maghintay? Ehdi maghintay kayo at wag matulog hangga't hindi pa ako nagpo-post nang bago! Tse! XD

NOTE: Ang litrato ni Hayley Williams na ginamit sa post na ito ay galing sa http://www.tumblr.com/