Showing posts with label balut pinoy. Show all posts
Showing posts with label balut pinoy. Show all posts

Monday, January 3, 2011

So Hindi Ako Nakapag Post Kahapon

Eh ano naman? Babawi naman ako ngayon oh. TROLOLOL. Oo na, nag-promise na nga ako. Hindi naman buong Promise `yung nakasulat dito eh -> chicharox.blogspot.com/2011/01/happy-new-year. Pramis kaya `yung nakasulat. Kaya hindi counted sa list ng promises ko `yun. Charot. =))

Excuses. Pfft. Luls. Anyway, gusto ko lang i-share ang mga napansin ko nung New Year's eve.

  • Mga lumabas na luga at nabingi o mejo nabinging mga tenga
Ewan ko lang sa iba ha. Pero ako wala naman kasi akong luga. Pero mejo nabingi ako sa lakas ng mga paputok. Hanggang ngayon sumasakit parin ang tenga ko. Wala, wala akong tutuli dahil kakatanggal ko lang nun. Sadyang mejo nabingi lang talaga ako sa mga paputok na parang nasa tabi ko lang sa sobrang lakas kaya napapasigaw tuloy ako sa gulat na parang ganito:


Joke lang. Gusto ko lang talagang maglagay ng GIF pictures sa mga text posts ko para bongga. Naaaliw ako eh. Hehe. Naisip ko rin nung New Year, dapat pala hindi ako naglinis ng tenga. Para naprotektahan ng mga tutuli ko ang mismong tenga ko at hindi ako masyadong nabingi.
  • Mga tumitili sa bawat paputok na pumuputok
Siguro naman kahit 1 jan sa lugar niyo eh may nagtitilian o sumisigaw sa tuwing may pumuputok na paputok diba? Lalo na kung mala-Goodbye Philippines ang puputok at sa mismong muka pa nila pumutok. Echos. Mehehe. Inaamin ko, ganyan ako nung New Year. Hihihi. Sa bawat putok eh sumisigaw kahit hindi naman talaga nagulat. Wala lang. Wala naman kasi akong paputok at nakakahiya narin naman magtorotot kaya sumigaw nalang ako para makagawa ng ingay. TROLOLOL.

  • Mga nagmo-motor na may mga nakaangkas pang kakaway-kaway na feeling artista o politiko at mga nagba-bike na may hila hilang mga lata, bubong at kung anu ano pang nag-iingay
Do I need to explain this? Siguro nga. Kung sosyal ang village niyo kaya walang ganito. Mehehe. Tss. Ilang beses na may dumaan sa street namin na mga ganito eh. Feeling mga gwapong artista na kumakandidato para maging janitor sa village. Tss. Busina nang busina para makapagingay. Sana nagpatugtog nalang kayo. Music, dudung? TROLOLOL. Mas maganda pa sa pandinig. Oh well. Motor nila `yun eh. Bakit ba? Teka, kanilang motor nga ba `yun? Meh.


Eh ano naman kung horse (na may kinakaladkad na tao) ang nasa GIF ko? Chos. `Yan lang nakuha ko eh. :))

So `yun nga. Tungkol naman dun sa mga nagba-bike na may hila hilang kung anu anong anik anik tulad ng lata, bote, dyaryo (?), bubong, bubong ng bahay nila, bubong ng kapitbahay nila, yero, at kung anu ano pang lumilikha ng ingay tulad ng baby, bata, at kung sinu sino pa pero joke lang `yung mga bata wag muna kayong magmura New Year na. Mahaha.

Nakakatanga lang. Paano kaya kung may masabitan silang kotse na tipong kakabili lang at kulang pa buhay nila bilang pambayad? Ano kayang gagawin nila? Though wala naman akong nabalitaang ganun o siguro kasi hindi ako lumalabas ng bahay kaya wala akong nababalitaan. Hehe.
  • Mga batang nagpapaputok parin at nagtotorotot
Pati ba pagtorotot pinagbawal narin? O.A. TROLOLOL. Pero sumasangayon ako sa pagbabawal sa paggamit ng mga paputok ng mga kabataan. Tama ba? Kabataan lang ba pinagbawalan? Echos. Mga naukuha kong balita eh. Hindi ko alam buong istorya. Ni hindi ko alam kung balita nga `yun sa radyo/TV/dyaryo o sa imahinasyon ko lang eh. Luls. XD Kasi nga delikado eh. At madalas kapag bata ang gumamit eh hindi masyadong maingat.

Kung totoo man ang balitang `to o hindi. Well, epic fail lang kasi andami paring mga kabataan ang nagpaputok. Uhm, nagpaputok ng paputok ha. Hindi `yung uhm, paputok na nakakabuntis. Mehehe. Paputok na nakakabuhay. Ano daw? Hindi mo gets? Tama `yan. Pagpatuloy mo lang at wag mo nang alamin kundi masisira lang ang buhay mo't mamalasin ka hangga't nabubuhay ka pa.


Eh ano naman kung hindi torotot `yan? Fan ako ni Hayley Williams eh. Bakit ba. Kaya gusto ko siyang ilagay dito.

Joke. Wala kasi akong makitang GIF na nagpapaputok na bata o kaya nagtotorotot. Mehehe. Eh muka namang nagiihip ng torotot si Hayley dito. Echos. Katamad lang talaga maghanap. Heh. Hindi madali maghanap ng GIF noh.

At dahil tinatamad na ako nang bonggang super duper, next time ko nalang dudugtungan. Pumapart-two! Pero pag tinamad ulit ako, hindi ko na itutuloy. TROLOLOLOLOLOL. Deal with it. Oh siguro next year ko nalang ulit itutuloy. Tamuhh! :-bd Gulo lungs.

Basta eto lang payo para sa mga nagbabalak nanaman magbawas ng daliri at ingrown sa paa sa susunod na Bagong Taon:

Wag niyong hintaying maging abo kayo gaya ng pagkamatay ng pet unicorn ko nung bagong taon.


NOTE: The GIF pictures used in this text post are from http://www.tumblr.com/

Friday, November 19, 2010

Mga Paraan Para Sumikat sa Tumblr (The Wrong Way)

Kilalang kilala na ang blogsite na Tumblr. Marami ang sikat, marami ang gustong sumikat, at marami rin ang feeling sikat. Sa ilang buwan kong pamamalagi rito, marami akong napansin, napapansin at papansinin tungkol sa mga paraan ng mga tao para magpasikat, sumikat at.. Wala na akong maidagdag. Basta `yun na `yun!


Ehem. Eto ang mga napansin kong mga maling paraan ng pagsikat sa Tumblr.
  • Laitin ang mga Pilipino. Dahil karamihan sa mga tao dito ay Plipino, /Deadz ang INBOX mo dahil sa sandamakmak na hate mails galing sa mga Pilipino! Awoo! Awoo! May ilan ding ire-reblog ang post mo sabay pasasabugin ka sa pamamagitan ng mga mura, GTFO of Tumblr at mga tatawag sa’yo ng racist. Kulang nalang lumabas sila sa monitor para tusukan ka ng straw sa leeg, at ialay ang dugo mo sa Diyos ng mga racist (kung meron mang ganoon).
  • Laitin si God. Halos lahat ng tao dito ay Katoliko (kabilang na ako dun). Halos lahat ng tao mahal si God at naniniwala sa kanya, marami tuloy magrereblog sa post mo sabay pauulanan ka ng mga salitang, “Bitch! Slut! Burn in hell, BUUUURRN!” At kung anu-ano pang mga nakakasukang mura at mga salitang napakatalas na kulang nalang eh mahiwa ang mga mata mo sa pagbasa. NOTE: Hindi lahat ng mga aaway sa’yo ay banal. Ang iba sa kanila ay ipokrito lang. Ang iba naman ay nakahithit lang ng usok mula mismo sa tambucho at nagpapaagos lang sa daloy ng mga issue sa Tumblr. Sawsaw suka mahuli taya daw ba.
  • Gumawa ng hate site. Tama ba ang termino? Basta, `yun na `yun! Ang paggawa nito ang isa sa mga patok na gawain ng mga taong tila wala nang social life, hindi nabibigyan ng atensyon sa totoong buhay kaya naman dito humihingi ng atensyon. Limos daw ba. `Yun nga lang, pag gumawa ka nito, asahan mo nang magde-deactivate ka rin pagkalipas ng ilang araw dahil sa mga pambabara, panlalait, pang-aalipusta sa’yo ng mga tao dito.
  • Awayin ang mga ~*TuMbLr FaMoUs*~. Madalas itong ginagawa ng mga gumagawa ng hate site. Mag-aasta silang critics dahil sa sobrang paghithit ng kili-kili nila. At syempre bilang fangirls at fanboys, pagtatanggol naman nila ang idolo. Kahit ang karamihan sa kanila eh hindi naman talaga alam ang ugali ng mga idolo sa totoong buhay.
  • Maliin ang grammar. Lalo na kung sa “About Me” `yan nakalagay. Naku po! Patok na patok! Madalas eh kapwa Pilipino mo pa ang ookray sa’yo! Amen! Pero `yung iba naman eh talagang sasabihin lang sa’yo ang mali mo, wala nang kasamang pagnanasang gamitin ka para dumami ang notes nila.
  • Pagmamakaawa sa isang tao na i-promote ka at ireblog ang mga posts mo. Usong uso sa mga baguhan. Dahil sikat na sikat ang Tumblr, akala nila eh Friendster, Myspace at Facebook ito na paramihan ng notes (kapalit ng likes) at followers (kapalit ng friends), Ita-TumblrAsk ka, akala mo napakaimportanteng tanong o hihingi ng advice, `yun pala.. Gusto lang na ipromote mo siya. Pwede narin natin isama rito ang mga nagpapa-follow back.
  • Gaguhin ang mga iniidolo ng mga tao dito. Example ng mga iniidolo at kinaadikan ng mga tao dito ay ang KPOP, JPOP, Mga banda sa Pinas man o sa ibang bansa, Glee, at kung anu ano pang uso sa mga kabataan ngayon.
  • Gumawa ka ng chismis tungkol sa mga tao dito. Spill mo narin lahat ng sikretong alam mo lalo na tungkol sa mga kaibigan mo na mayroong account dito sa Tumblr (kung meron ka mang mga kaibigan. Hehe). Lahat! With matching pictures pa nila, ha. Oh kaya naman, para hindi halata, magbigay ka nalang ng clue. Pero dapat `yung tipong pati si Patrick Star eh mage-gets kung sino tinutukoy mo.
At ang pinaka huli sa lahat..
  • I-TumblrAsk ang sarili, magpanggap na hater, PERO WAG KANG MAG-ANONYMOUS. Oo! `Yan ang bentang benta dito, kapatid! Jaraaaan! Asteg much. Sa lahat, eto ang pinaka magandang subukan ng isang baguhan para sumikat! Pagsabay-sabayin mo pa ang Paglait sa mga Pilipino, kay God, pag-away sa mga ~*TuMbLR FaMouS*~ at mali-maling grammar, bongggang bonggang daig mo pa ang notes na nakukuha ng Harry Potter, KPOP at Justin Bieber posts! Seryoso! RakEnRol Kapatid! \m/
Goodluck sa mga sandamakmak na magpapalayas sa’yo dito sa Tumblr. Goodluck din sa mga matatalas na pananalita at mura ng mga ~*TuMbLrIsTaS*~ na kulang nalang eh puntahan ka sa lungga mo, ipa-rape ka sa kuto, balatan ka ng buhay, buhusan ng kumukulong tubig na may asin at kiti-kiti, kalbuhin sa pamamagitan ng pagsabunot (tig-tatatlong piraso para “I hate you,” kasama narin sa mga bubunuting buhok ay ang PH at ang buhok sa buong katawan, /deadz ka kung balbon ka) at gawing isaw ang bituka mo.
Kung gusto mo, gawin mo lahat `yan. Sabay sabay! `Yun nga lang, sobrang masisira ang reputasyon mo, baka pati ang buhay mo sa labas ng bahay (kung meron ka mang “buhay”) eh maapektuhan. Baka mamaya paglabas mo ng bahay eh bigla ka nalang saksakin ng mga nabwisit sa’yo ang lahat ng parte ng katawan mo sabay pi-picture-an at ikakalat ulit sa Tumblr.
Aba, kahit na mangyari sa’yo lahat ang mga masasamang pwedeng mangyare sa’yo, at least, sikat ka. Hehe. `Yun nga lang, sira ang buhay mo (again, kung meron ka man). Daig mo pa ang nahulog mula langit hanggang impyerno. Tsk tsk tsk.