Sunday, January 23, 2011

Argh! Bakit ba Kasi Kailangang Mag-aral?!

Siguro kahit isang beses man lang sa buhay niyo naisip niyo na `yan. Bakit nga ba? Eh pwede namang mag-business nalang in the future, diba? Meron jang mga tao na hindi nakapagtapos ng pag-aaral pero successful naman kasi may business sila. Kung babae ka, lalo na at maganda/sexy, pwede namang maging housewife ka nalang at mag-asawa ng mayaman. Diba? So pwedeng hindi na mag-aral! Pwede? Pwede? Bago ka mag-isip isip kung titigil ka na sa pag-aaral, basahin mo muna `to. Bago ka mairita dahil kinukulit ka ng mga magulang mong intindihin ang kahalagahan ng makapagtapos ng pag-aaral, basahin mo muna `to:

Mahirap na ang buhay ngayon. Mahirap lang ang bansa natin. Tama na muna ang pagsisi sa mga corrupt na nagtatrabaho sa gobyerno, hmmkay? Isipin mo, kung hindi ka nakapagtapos ng pag-aaral, mas lalo mong mafi-feel na mahirap na nga ang buhay ngayon. Bakit? Sige, kung lalaki ka at hindi ka nakapagtapos ng pag-aaral, anong magiging trabaho mo? Karpintero? Hindi laging may trabaho `yan. Construction worker? Hindi rin laging may trabaho. Magta-trabaho sa pabrika? Madalas sa mga `yan ay de-kuntrata nalang. Driver? Konti lang ang kita. Kung babae ka naman, tindera? Konti nga lang ang kita. Pokpok? Oo maraming pera pero laspag ka naman at malaking kasalanan sa panginoon. Mahiya ka naman. Baka magka-AIDS ka pa or something. Labandera? Konti lang ang kita.

Sabihin na nating sa dami ng college graduates taun-taon eh nahihirapan pa silang maghanap ng trabaho, ikaw pa kayang hindi nakapagtapos ng pag-aaral?

Eto madalas na `tong sabihin sa'yo ng mga magulang niyo:
"Hindi habambuhay eh andito kami sa tabi mo."
Mawawala din sila sa'yo. Eh ano nang mangyayari sa'yo kapag nawala sila? Paano kung wala silang naipamana sa'yo kasi mahirap lang kayo? Kung mayaman naman kayo, paano kung may pinagkakautangan pala ang pamilya niyo at kinuha lahat ng yaman para maipambayad ng utang? Paano ka na? Ehdi maghhirap ka na kasi hindi ka nakapagtapos ng pag-aaral. Kawawa ka naman, ang asawa mo at ang magiging anak niyo. Paano niyo maibibigay sa anak niyo ang mga karapatan niya? Karapatang magkaroon ng damit, makapag-aral at kung anu ano pa. Eh mas maganda nga kung pati privileges maibigay eh. At kung mahirap man kayo, edukasyon nalang ang pinaka magandang pamana sa magiging anak niyo. Edukasyon ang pinaka magandang pamana sa'yo ng mga magulang mo. Sana maisip niyo rin na andami daming bata jan na hindi nakakapag-aral at gustong mag-aral para gumanda ang buhay nila. Tapos tayong mga kabataan na nakakapag-aral, eto.. Cuttin dito, cutting doon. Chillax dito, chillax doon. Tumblr dito, Facebook doon. Ang HW, pag-aaral, pagbabasa.. Ayun, waley. Sana maisip niyo na eto na ang chance na makapag-aral kayo. Lubus lubusin niyo na dahil hindi niyo alam kung hanggang kelan niyo makakasama ang mga magulang niyo. Hindi niyo rin alam kung hanggang kelan sila magkakaroon ng pera pambayad ng tuition niyo at kung anu ano pang gastusin. Sana kung manonood kayo ng porn, magta-Tumblr, magfe-Facebook, makikipag murahan sa mga haters niyo, eh tapos na kayo mag-aral para sa quiz niyo, sa exam, tapos na gumawa ng assignments, at kung anu ano pang kailangan. O pwede rin na kung hindi pa tapos, sana simulan at tapusin na agad pagkatapos gawin ang mga hindi naman talaga mahalagang bagay.