Wednesday, December 22, 2010

Fashionista o Pornstar?

Dahil sa post kong Wow Angganda, Ay Pokpokita Pala, naisip kong mag-post tungkol sa mga babaeng mala-pornstar kung magsuot ng damit. Paano naging konektado ang post na `to sa post na Wow Angganda? Simple lang! Madalas nga kasi sa mga mala-pokpok kung maka-pose eh nakasuot pornstar din syempre. Kaya ayun, swak!

Ehem, bago ang lahat, tingnan muna nating lahat ang picture na `to. Hehe:


Ayan. At bago ako magpatuloy, punasan niyo muna ang laway niyo mga hinayupak na lalaki kayo!

[pagkatapos magpunas ng laway na parang waterfalls ang mga lalaki]

Oo, mukang pokpok nga ang nasa picture. Pero taga ibang bansa `yan. Liberated ang mga tao, walang pakialamanan. Pero kung pag-uusapan natin ang mga tao dito sa Pilipinas, eh hutangena! Pag nag-suot ka ng damit na kinulang ng tela sa Mall, eh titiradurin ka ng mga kababaihan ng mga naglalagablab nilang matang nanlalait, pagbubulungan ka ng mga may edad na kababaihan (usually mga matatanda at mga magulang ng mga kabataan ngayon) at wag mong asahang magaganda ang sinasabi nila tungkol sa'yo, tititigan ka na parang hinuhubaran at nirereyp ng mga kalalakihan, susubukang manyakin ng mga manyak at tatalsikan ka pa ng laway ng mga naglalaway na desperadong manyak na lalaki (Ay, O.A.)!

Ehem. Eto lang ang mapapayo ko:
Hindi mo kailangang magmukang pokpok para lang maging fashionista.
Hindi purke guhit nalang ng pwet at muning mo ang hindi nakikita, eh fashionista ka na. Hindi purke mukang lingerie ang suot mo sa pampublikong lugar at pinagtitinginan ka ng mga tao eh maganda na ang suot mo. Hindi ka naman magpho-photo shoot. Pwera nalang kung model, artista o pornstar ka na tipong may kasama pang professional photographer. Naggagala ka lang naman e. Kaya hindi mo kailangang magsuot ng mga pang-pornstar na damit sa pampublikong lugar. Mahiya ka naman sa balat mo `teh.

Eto pa ha, ang iba pa sa mga self-proclaimed fashionista na `yan na nagkulang sa tela ang damit, kapag kunware nagco-commute, bababa sa dyip at naka-mini skirt, aba, baba nang baba ng palda para kamo hindi masilipan. Eh putangina mo pala e! Kung hindi ka nagsuot nang sobrang ikling mini skirt, ehdi sana hindi mo na kailangang magbaba nang magbaba ng mala-pokpok mong mini skirt! Magsusuot ng pagkaluwag-luwag na pantaas sabay tatakpan kapag sumasakay ng dyip. Eh kingina mo! Sana kasi nung pinili mo `yang damit na `yan eh naisip mo na kung anong consequences pag sinuot mo `yan sa pampublikong lugar!!

*EEEEKKKKK!*

At dahil masyadong kumulo ang dugo ng Author, na-highblood, sumama ang pakiramdam, kaibigan nalang niya ang nagpatuloy sa pagta-type. Hehe.

E-ehem. Aaminin ko, nagsuot din ako ng mga mala-pokpok na damit. Meron nga akong pekpek shorts e. At sa kasamaang palad, nasuot ko `yun sa mga parties, at kapag naggagala. Kaso narealize ko.. Eh ano naman kung napaka-sexy ko sa suot ko? Eh ano naman kung maikli suot ko? Sus. May mapapala ba ako? May makukuha ba akong premyo? Oo na, may mga papuri, tumitingin sa'kin ang mga lalaking cute at pati `yung may mga girlfriend na. Pero bukod sa mga `yun eh mas lalong hindi ko maiiwasang mabastos. Sus, nung minsang naggala ako kasama ang mga kaibigan ko at naka-pekpek shorts ako, may lumapit pa sa akin noong lalaki, gusto akong bigyan ng calling card something something. Trabaho daw sa ibang bansa. Obvious naman na inuuto lang ako nun at gagawin akong pokpok kung saan saang kanto. Kaya hindi ko in-entertain. Luls.

Alam kong tayong mga babae eh naging dream narin ang maging artista, model, at sa iba.. Pornstar. Gusto rin natin kahit papaano na mapansin ng mga lalaki. Ansarap nga naman ng feeling kapag may nagkakagusto sa'yo. Pero sus, kailangan ba talaga magmukang bayaran, kerengkeng, malandot, higad, kuto, garapata at kung anu ano pang makakati para lang magustuhan ng isang lalaki? Hindi naman sa katawan o itsura lang `yan nakukuha e. May mga kaibigan akong simpleng manamit pero bakit andaming nagkakagusto? May mga kakilala akong hindi kagandahan at hindi pa nga sexy pero bakit may boyfriend ngayon na may itsura? Love is blind. It sees but it doesn't mind.. Next, who is your crush? Ay teka, sorry. Nagsasagot kasi ako sa Slambook. Hehe. Napaghalo-halo ko na tuloy ang mga sagot ko at mga ilalagay ko dito sa post na `to. xD
Anyway, ang pagiging fashionista ay hindi nasusukat sa kung gaano kaikli ang suot mo. Nasusukat `yun kung paano mo dalhin ang sarili mo.
Ano daw? Lulsjk. :)) Pwede ka parin naman kasing magmukang hot at maging fashionista nang hindi nagmumukang mahalay. Pwede ka namang pumunta sa parties nang hindi mukang orgy ang pupuntahan mo. Eto ang mga halimbawa ng mga damit na hindi malaswa pero bongga! (Click the pictures for a better view.)

  • Shirt and leggings
Pwedeng isuot kapag walang uniform sa school niyo pero may dress code. :) Pwede rin kapag gala mode. Mas maganda kung mahahabang shirts ang isuot. Sorry, kung meron mang term para dun at `di ko alam. Hindi naman kasi ako fashion expert para malaman lahat ng fashion terms and whatevs. :))


  • Party party!
Hindi purke pupunta ka sa bar, club at kung saan-saan pang party eh kailangan mo nang magmukang makikipag jugjugan. Sakto lang dapat parang Coke at parang Pop Cola, always tama ang timpla! ;)


  • Shorts, mini skirts, dresses
Pwede ring pag pupunta ka sa party eh magsuot ka rin ng ganito, pwede rin na kapag gala mode lang.


  • Pasimple
Mga simpleng suot lang, o sabihin na rin nating classy or whatever. Pero hindi slutty. ;)


So ayan. Ayan ang mga halimbawa na pwede parin maging gorgeous at fashionable nang hindi nagmumukang pokpokitang higad.

Ang mga modelo sa pictures ay sina Hanna Beth at Katy Perry. Alam kong marami silang daring pictures, pero kinuha ko nalang ang pictures nila na may mas conservative na damit. Hehe.

REFERENCES:

http://hannabeth.buzznet.com/user/

http://www.take40.com/news/16397/katy-perry-and-kylie-minogue---women-of-the-year!