Saturday, December 25, 2010

Merry Christmas!


Merry Christmas to all my followers and readers! Enjoy this day! Have a blessed Christmas! :-bd Mahal ko kayong lahat! *kaway na pang-Miss Universe*

Maraming maraming salamat sa mga nagbasa at patuloy na nagbabasa slash (/) sumusubaybay sa kagimbal-gimbal na blog ni Miss Piggie! Pinainit niyo ang Pasko ko! Ay teka, mainit lang pala talaga ako. Mehehe. :> Oh, wag nang mag-violent reaction, malamang buhay ako kaya ako mainit. *Badum Tss!*

At dahil pasko, mamamahagi ako! Oo! Seryoso! RakEnRol! Mamamahagi ako ng picture! Dun dun dun dun! 



Ohaa! Gawa sa lego `yan! Mehehe. Nagpunta kasi kaming MOA nung December 24. Wala lungs. Nacute-an lang ako. Na-astig-an rin. Grabe. Ilang oras kaya `yan ginawa?

Ha? Pera kamo ang ibigay ko? Bakit, ako ba si Santa Claus? Kasing taba ko lang siya pero hindi ako si Santa Claus! Tse! Echos. Hehe. Broke din ako e. Bigyan niyo muna ako ng pamasko tapos bibigay ko sa inyo 1/4 ng pinamaskuhan ko. `Yun ay, kung makakapasok kayo sa bahay namin na may napakalaking aso na may tatlong ulo. May rabies pa `yun! Sa sobrang makamandag ng rabies nun eh pag nahingahan ka lang ng aso namin eh mangingisay ka agad at bubula ang bibig. Tapos sa susunod na Christmas ka na magigising. Christmas nang katapusan ng mundo. Hindi ka naniniwala? Eto picture ng aso namin oh, farty people, meet Tame:


So kelangan talaga takutin ang mga namamasko noh? Bad Piggie. Super duper mega over to inf and beyond bad Piggie. Kaya siguro hindi ko nakita si Santa Claus kahit hinintay ko siya nang bonggang bongga hanggang madaling araw. Naughty daw kasi ako. Oh well, at least hindi niya ako niregaluhan ng Ham o anything with pork! Remember, I'm Miss Piggie. And I'm not a cannibal! On second thought, oh. I eat people pala. And you don't wanna know how. *spank* *wink*

Merry Christmas ulit! Enjoy. :-bd At hindi muning ng babae ang (/) jan sa taas. Slash `yan. Slash. Tse! :P