Monday, December 20, 2010

Wow Angganda, Ay Pokpokita Pala

Natatanga ako sa karamihan ng mga babaeng kabataan, ka-edad ko at ilan narin sa mga mas matanda sa akin na sabihin na nating hindi pa gurang. Madalas kasi sa mga babaeng ito ay panay post sa Facebook o kung saan saan pa ng mga malalaswa nilang pictures (o videos?). Hindi naman hubad na pictures, pero `yung tipong ang suot na pantaas eh utong nalang ang natatakpan, ang suot na shorts o mini skirt eh pwede nang alternative sa panty, at kung maka-pose ay parang palaos na pokpok na desperadang kumita.

Seryoso. Bakit ba kailangan gawin `yan ng mga kababaihan? Hindi lang sa pictures ha, maski sa personal. Kapag nasa labas ako ng bahay (wow! Lumalabas ako ng bahay?!), lalo na pag nasa mall o nasa syudad, andami kong nakikitang mga babaeng kinulang sa tela ang mga suot. Tipong parang naka swim-suit pero nasa mall lang naman. Tipong naka-lingerie kahit wala naman sa kwarto/motel/hotel. Naka-pekpek shorts/skirt na parang pokpok kahit nasa mall o amusement park. Hala sige! Pagkatapos magagalit kayo kapag minanyak kayo?! Ulol! Galit nga ba o gusto mo lang masabihan ng kasama mo na sexy ka kasi bla bla bla? Utot mong mabaho, lumang style na `yan.

Ang masama pa sa mga babaeng ito na nakasuot-bikini sa mall, eh pag tinitigan mo ng masama from head to toe and vice versa, ang iisipin pa nila eh insecure ka sa kanila! Susme `teh! Bakit hindi mo ma-feel na nandidiri sila sa'yo?! Bakit hindi mo ma-feel na kaya ka nila tinitingnan mula ulo hanggang paa with matching taas kilay hanggang batok (ano daw?) eh dahil sa muka kang makating pokpok? Sabihin na nating maganda ka at may mala-hourglass kang katawan, so required ipaglantaran? Ganon? Required talaga? Ikaw magiging presidente ng buong mundo kapag pinaglantaran mo? I don't think so.

Meron kang makukuhang reward, oo. Bukod sa mga papuri ng mga kaibigan mo eh may makukuha karing libreng pangmamanyak galing sa mga naglalaway na desperadong lalaki. But wait, there's more! Madalas sa mga lalaking mamanyak sa'yo eh mga mukang nabangga ng truck 1 Billion times! Tipong mga drayber, mga tambay, mga adik, at kung sinu sino pa. Muhahaha! But wait, there's more ulit! Malaki pa ang tyansa na mareyp ka ng mga `yun! Ayos ba? Solve ba? Sige! Gorabels na! Sabihin na nating magtitinginan din sa'yo ang mga lalaking kasama ang karelasyon nila. So feel na feel mo naman? Tuwang tuwa ka naman na may tyansang mapaghiwalay mo ang dalawang nag-iibigan (Ay, O.A.!)? Tuwang tuwa ka na maging higad, ganun? Luuuls. Mga babae nga naman ngayon.

Ewan ko lang ha, sasabihin niyong insecure ang mga taong masama ang tingin sa inyo dahil sa pagsusuot niyo ng malaswa. Pero hindi kaya kayo ang insecure? Kahit kasi maganda ang isang tao, na-iinsecure parin ito. May mga kakilala akong ganun eh. At ang iba sa kanila, ginagawa ang ganung kalaswang gawain para mamakyaw ng papuri. Ang masama nga lang, nababastos sila. Sabihin man nating puri ang, "Wow. Laking dede naman niyan, pahipo nga. Hehe." o ang pagcomment sa picture mo ng, "Wow! Hanep! Sexy! Saan nakatira `yan? Patira naman!", pero nakakabastos parin. At dahil may nakita pa akong fanpage sa Facebook kung saan andaming nag-popost ng ganitong klaseng pictures, eto oh. Eto ang mga halimbawa:



Mga gago, mga manyak! Maghunos dili kayo! Wag niyong itatanong sa'kin kung anong fanpage `yun! *facepalm* Susme. Take note, mga Filipina pa `yan. Wow, gandang fanpage ah? So anong mangyayare kapag nakita `yan ng mga foreigners? Baka akalain jan bumibili ng mga pokpok. Nasaan na `yung pagaakala sa'tin ng mga banyaga na conservative ang mga Pilipino? Oh Maria Clara, nasaan ka na? Oo nga naman, patay na syempre `yun, so kasabay ng pagkamatay ni Maria Clara eh ang pagkamatay ng pagka-conservative ng mga Filipina? Hay buhay. Nakita ko mga photo comments, hindi ko na kaya ilagay dito dahil ambabastos. Paano kaya natitiis ng mga ito ang pambabastos ng mga lalaki sa kanila? O nagagalit nga ba sila kapag nababastos sila ng mga lalaki? Sabagay.. Siguro naman naisip ng mga `to ang mga posibleng mangyare o masabi sa kanila kapag pinost nila `to. Eto nalang mapapayo ko:
Lahat ng ginagawa mo ay nakakaapekto sa reputasyon mo. Pati sa internet, dahil ito ay isang public place. Kapag nagpost ka ng picture na nakahubad sa internet, para ka naring naghubad sa mall, o kung saan pang pampublikong lugar.
Inaamin ko, mala-pornstar din ako kung manamit o magpose dati. Buti nalang nauntog ako sa pader ng katotohanan at narealize kong napakatanga ko naman para gawin `yun eh may nagkakagusto parin naman sa'kin kahit simple lang ang pananamit ko. Plus, hindi ako magugustuhan ng parents ng mahal ko kung makita nilang mala-pokpok ang mapapangasawa ng anak nila. Tipong sila na mismo ang magsa-suggest sa'yo na maging pornstar ka o pokpok jan sa may kanto.

Kung maganda ang katawan mo, ayos lang maglabas ng konting skin. Pero wag sobra. Tandaan: Lahat ng sobra, masama. Hindi purke maganda ang katawan mo eh kailangang pati private parts mo eh gawin mong public parts. Masarap sa pakiramdam ng partner mo ngayon o future partner mo na siya lang ang nakakakita ng private parts mo. At eto pa, kapag nga may mahal ka, o may karelasyon ka, isipin mo din ang magulang nila, ang maiisip ng mga magulang niya sa'yo. Okay lang sana kung liberated ang magulang niya at okay lang sa kanila na mukang pokpok ang mapapangasawa ng anak nila. Pero pagdating sa Filipino families, madalas sa mga `to eh conservative. Ibig sabihin nun syempre, gusto nila para sa anak nila `yung hindi mukang pokpok.

Sabihin na nating hindi naman magulang ang pakakasalanan mo kundi ang partner mo mismo, pero ansarap talaga sa pakiramdam pag GV (Good Vibes) sa'yo ang magulang ng mahal mo. Tipong pag kinasal kayo eh umiiyak ang lahat sa tuwa, hindi tipong parang naglalamay.

Kung maganda ka, mas masaya mapuri dahil sa maganda ka, hindi dahil sa muka kang pokpok na pwedeng bayaran para jugjugin. May mga kakilala akong magaganda na simple lang manamit, hindi masyadong revealing. Pero andaming nagkakagusto, nakakatibo ng babae, nababansagan parin na sexy, takaw tingin, at kung anu ano pa. Sa fanpage kung saan ko nakita ang mga pictures sa taas, may nakita rin namang akong magaganda pero disente manamit:



Seryoso, sila ang talagang nakikita kong maganda. Well, maganda nga naman talaga sila, as in. Pero mas gumanda pa sila dahil mas lumitaw ang kagandahan nila, kesa sa suot. Mas naaappreciate nga naman daw ang kagandahan kung walang umaagaw na atensyon. Kaya sabi rin ng iba, kapag maganda ka na, simple nalang suotin mo, para sa muka mo lang naka-focus at mapupuri ka dahil sa kagandahan mo, hindi dahil sa muka kang bayaran.