Saturday, December 11, 2010

ABNKKBSNPLAKo?

Eskwelahan, eskwelahan, paano ka ginawa?

Paano nga ba?

Madalas sa mga eskwelahan, lalo na kapag pribado, ang magkaroon ng kumpletong pasilidad. Sa kolehiyo namin, kahit hindi pa kumpleto ang mga gusali, sa tingin ko kumpleto nanaman ang mga pasilidad na kailangan. Gaya na lamang ng mga silid-aklatan, CR, GYM, sports facilities, computer lab, Student Center, AVR Room, Media Lab, at kung anu-ano pang pasilidad at anik-anik na pwedeng nasa eskwelahan.

Pero paano nalang kung kulang-kulang ang pasilidad kahit pribadong eskwelahan? Mas malala pa, mayroon nga, pero hindi naman masyadong napapakinabangan.

Tulad nalang sa dati kong eskwelahan nung nasa elementarya pa ako (sa totoo lang, mula prep eh dun na ako nag-aral). Noon, ang mga CR eh para lang ganito:


Seryoso! Tabi-tabing ganyan. Tsk. Korteng nakatayong rectangle nga lang `yun. Hehe. Kapag iihi ka dun, mapapatae ka na sa sobrang baho at panghi sa loob! Ahk! Pati suka mo lalabas na sa pwet mo sa sobrang nakakasuka! Pero wala naman akong nabalitaang sa bibig na nila lumabas ang tae nila sa sobrang hindi nakayanan ang baho sa loob (eww! Gross! Ambaboy mo Miss Piggie!).

Nagkaroon pa nga ng mga kwento kwento na mayroon pa raw White Lady o kung ano pang multo sa mga CR, o kahit sa labas. Parang eskinita lang kasi na may CR `yung lugar. Pfft. Kaya pinamugaran ng mga multo at kung anu-ano pang nilalang. Pero sa tingin ko, gawa-gawa lang `yun ng mga ka-eskwela kong ayaw lang mabuko na tumae sila sa iskul. Nakakahiya nga naman daw kasi. Lalo na kapag burubos pa `yung tae mo at sobrang baho. Mas malala pa kung may bumahid pang tae sa damit mo! Eww. *pukes* O kaya naman, masyado lang naparami ang nahithit nilang kagimbal-gimbal na amoy ng CR kaya nagkaroon ng kung anu-anong hallucinations. Tsk tsk tsk.

Wala nga palang Chapel sa dati naming eskwelahan. Kapag may misa, dun lang kami sa malaking espasyo sa loob ng eskwelahan. Wala pang second floor nun! Hahaha. Pero ngayon, hanggang 3rd floor na. `Yung second floor, para sa mga HS. `Yung 3rd naman, GYM. Dun narin ginaganap ang graduation at kung anu-ano pang events.

May mga classrooms pa na katabi lang ng Principal's Office. Naalala ko tuloy, nung Grade 2 ATA ako nun, ang room namin eh katabi lang ng Principal's Office. Para hindi kami maingay, eh pinapahiram kami ng libreng libro araw-araw para basahin pagkatapos ay maglagay ng reflection o kung ano man sa notebook namin. Hehe. Tuwang tuwa ako nun kasi mahilig talaga akong magbasa simula nung natuto akong magbasa.

Meron din kaming Computer Room! Oha. Hahaha. Naaalala ko pa noon, tatanga tanga pa ako sa paggamit ng kompyuter. Ahk! /Deadz ako pagdating sa mga practical test. Eh paano, wala naman kasi kaming kompyuter sa bahay. Pagkatapos, pag nagdedemo pa si Ser para ipakita sa amin kung paano `to, paano `yun, andaming malalaking ulong (ulo sa taas, hindi sa baba) nakaharang kaya hindi ko makita! Bakit ba kasi kung sino pa ang mas matatangkad eh `yun pa ang mga nasa unahan?! Asdfjklqwertysxyz! Anyway, kapag tuloy practical test, kahit simpleng imi-minimize, maximize, close lang ang gagawin sa Microsoft Word eh hindi ko pa alam kung paano. Buti nga nakapasa ako dun kahit papano! Bumawi naman kasi ako sa mga written tests. Hehe. *wink*

Dahil wala pang GYM nung kapanahunan ko, sa Basketball Court lang kami sa tabi ng eskwelahan ko guma-graduate. Hehe. Dun din ginaganap ang mga Intrams at iba pang activities. Nirerentahan nalang `yun ng principal namin na may-ari rin ng eskwelahan. Naaalala ko pa, mejo close kami ng Principal nun, close din kasi sila ng parents ko. Ewan ko kung bakit. Hahaha. Pati `yung isa pang namamahala dun sa eskwelahan, ka-close din namin. Siguro kasi ilang taon ko narin `yung teacher sa Word Attack. Hehe. At siya rin nagtuturo sa'min ng mga pronunciations at kung anu-ano pa pagdating sa graduation at recognition. Honor student kasi ako mula nang pumasok ako hanggang sa gumaraduate ako nung elementarya. Ohaaa! `Yun nga lang, masyado akong nagpa-easy easy kaya nagkaroon ako ng bagsak nung HS. Pero mamaya ko na `yan ikukwento o kaya, next time nalang. Muhahaha!

Mapunta tayo sa mga classrooms, naaalala ko pa noon, nung Grade 3 ako! Tsk! Lagi akong walang upuan dahil sa dulo ako nakaupo noon! Bwiset talaga. Buti nalang hinahatid parin ako ng nanay ko hanggang classroom kaya siya na naghahanap ng upuan para sa'kin. Paano ba naman, ang pwesto ko pa noon eh nasa dulong may pagka-madilim. Tipong parang may bigla nalang kakalabit at makikipag-kaibigan sa'yong duguang bata na ikaw lang ang nakakakita. Shangaps, etong classroom namin nung Grade 3 eh kinginang katabi pa ng CR, oo, `yung CR na nabanggit ko kanina na halos mapatae ka na sa baho kahit iihi ka lang. Tsk. Kung mamalasin ka nga naman oo. May sirang pintuan pa akong katabi noon, sa kanan. Buti nga naisipan pa nilang bigyan ako ng katabi sa kaliwang bahagi eh! Akala ko ako na mag-isang emo-emohang laslas to death dun sa sulok e. Jujuju. Sumulat pa tuloy ang nanay ko sa adviser namin na dapat lagi na akong may upuan pagkarating sa classroom. Nakakabwiset nga naman kasi na parang magic na mawawala ang upuan mo kada-papasok. Putek! At magpapakahirap pa na humanap ng extrang upuan sa bawat classroom! Asdfjklqwertysxyz! Nung binigay ko `yung sulat sa adviser ko, hindi ko alam kung bakit natawa siya, hindi ko alam kung dahil ba sa feeling importante ako, o hindi niya lang talaga alam na mahirap mag-classroom to classroom para maghanap ng extrang matinong upuan! HNNGGG~ Nung ngumiti tuloy ang adviser ko pagkabasa niya ng sulat (hindi naman niya binasa nang malakas), eh parang gusto ko siyang saksakin ng ballpen sa mata sabay dukutin at ipalapa sa multong nasa sinumpang CR ng eskwelahan namin! Grrr! Huraawrrr!!

Pagdating naman sa usapang multo, nauso noong Grade 3 din kami na magustuhan ang pagkakaroon ng Third Eye! Oo! Hindi ko alam kung dun ding taon na `yun inilabas ang horror movie ni Bruce Willis na "The 6th Sense" kaya nauso `yun e. Oh sadyang adik lang kaming mga kabataan noon na kahit takot sa multo eh gusto paring magkaroon ng Third Eye. Naalala ko pa nung magkausap kaming tatlo ng mga kaklase ko. May mga kabaong daw sa likod ng dingding kung saan nakadikit ang blackboard namin. Nase-sense niya raw `yun kasi may Third Eye siya. Kaming 2 namang tangang nasabihan nun eh uto-utong naniwala. Kapag naiisip ko nga `yun ngayon eh napapa-taas-kilay nalang ako dahil napaka-imposible talaga nun. Luls. Sa kabila kasi ng dingding na `yun eh isa pang classroom! Wahahahaha! Pfft.

Hay elementarya, kaysarap mong balikan.. NOT! Huhahaha. Masaya na akong ganito. Mabuhay nang tuloy-tuloy. Wag nang bumalik sa nakaraan para baguhin ang kung ano mang kamalian. Gorabels lang nang gorabels.

Para Kay: Miss Alcantara, ang Principal ng Infant Jesus Montessori Center (kung saan ako nag-aral ng Prep hanggang Elementarya), R.I.P.