Ehem, anyway.. Naisip kong parang commercials ang panliligaw ng mga kalalakihan dahil tulad ng mga commercial, nangaakit ang mga ito na "tangkilikin" ang produkto. Parang sa panliligaw, paano ka nga naman niya mapapasagot kung hindi ka niya napapasaya? Paano ka mapapasagot kung hindi kaakit-akit ang ginagawa niya?
Sa commercials ng pagkain (horisyet bakit pagkain ang ginawa kong halimbawa?! Nagugutom na tuloy ako), pinapakita na malaki ang pagkain, puno ang lalagyan at maganda ang pagkaka-prisenta. Pero subukan mong bilhin ang pagkain na `yun, ibang iba! Maliit ang pagkain, kalahati lang ang nasakop sa lalagyan at parang binasta bastang dugyutin pa (ay! Over over naman!).
Sa panliligaw naman, madalas nililibre ng mga lalaki ang babaeng natitipuan, napaka-gentleman, hinahatid pauwi, nagtetext maya't maya, minsan pa nga eh tumatawag, nakikipag chat kapag hindi magkatext, dinadala ang bag at laging pinapaalalahanan ng "Kumain ka na ha? Iloveyou sweetie pie apple pie apple of my eye baby sweetheart dear love honey darling sundae cake gatas chocolate adobo sinigang sinangag ko," "Tumae ka na ha? Ambaho na ng utot mo eh. Pero I love you parin hanggang sa dulo ng walang hanggan at magpakailanman," "Magtoothbrush ka na ha? Mabaho na kasi hininga mo, pero love parin kita *sabay kindat, hanggang sa nahipan ng hangin at tuluyan nang naging kirat*," atbp.
Pero wag ka, kapag `yan eh sinagot mo na, unti-unti `yang magbabago. Sa una eh nasa baba lang ang sungay niyan. Ay teka, hindi pala sungay `yun. Private part niya pala `yun. Ajiji. :"3 Pero unti-unting tutubuan at lalaki ang sungay ng boyfriend mo (sa ulo sa taas ha!). Oo! Seryoso! Akala mo panibagong private part lang ang tumutubo, sungay na pala!
Lalo na kapag 1 year na kayo pataas, naku po! Kulang nalang eh ingudngod nalang ang bunganga mo para kumain ka kesa paalalahanan nang maayos. Minsan pa nga wala nang paalala paalala! Basta siya, lalamon. Ikaw, bahala ka na sa buhay mo! Kung gusto mo mamatay ka na sa gutom, gorabels! At kunwari, magkatext kayo tapos hindi siya nagpaalam na kakain pala siya, sasabihin pa niyan, "Eh kesa naman mamatay ako sa gutom?! Uunahin ko pa ba ang pagtetext kesa sa pagkain?! Baka pagkatapos ko magtext eh naubos na ng mga alaga ko sa tiyan ang tiyan ko!" Tsk tsk tsk. Buhay pag-ibig nga naman.
Gaya ng panliligaw, ang isang commercial ay mayroong panahon na hindi na siya ipapakita sa telebisyon (makikita mo nalang sa Youtube pag patok!). Minsan tuloy, naiisip kong wag nalang kaya sagutin ng mga kababaihan ang mga lalaking nanliligaw sa kanila para hindi na sila magbago? Habambuhay na silang gentleman, mabait na parang tupa at maalalahaning stalker. `Yun nga lang, baka naman mapagod at maghanap ng iba. Kaya rin siguro may mga babaeng sinasagot agad ang manliligaw nila.. Hindi dahil sa easy-to-get-pokpokita sila, kundi dahil sa natatakot silang baka maagaw pa ang manliligaw o maghanap na ito ng iba.