Ehem. Eto ang mga napansin kong mga maling paraan ng pagsikat sa Tumblr.
- Laitin ang mga Pilipino. Dahil karamihan sa mga tao dito ay Plipino, /Deadz ang INBOX mo dahil sa sandamakmak na hate mails galing sa mga Pilipino! Awoo! Awoo! May ilan ding ire-reblog ang post mo sabay pasasabugin ka sa pamamagitan ng mga mura, GTFO of Tumblr at mga tatawag sa’yo ng racist. Kulang nalang lumabas sila sa monitor para tusukan ka ng straw sa leeg, at ialay ang dugo mo sa Diyos ng mga racist (kung meron mang ganoon).
- Laitin si God. Halos lahat ng tao dito ay Katoliko (kabilang na ako dun). Halos lahat ng tao mahal si God at naniniwala sa kanya, marami tuloy magrereblog sa post mo sabay pauulanan ka ng mga salitang, “Bitch! Slut! Burn in hell, BUUUURRN!” At kung anu-ano pang mga nakakasukang mura at mga salitang napakatalas na kulang nalang eh mahiwa ang mga mata mo sa pagbasa. NOTE: Hindi lahat ng mga aaway sa’yo ay banal. Ang iba sa kanila ay ipokrito lang. Ang iba naman ay nakahithit lang ng usok mula mismo sa tambucho at nagpapaagos lang sa daloy ng mga issue sa Tumblr. Sawsaw suka mahuli taya daw ba.
- Gumawa ng hate site. Tama ba ang termino? Basta, `yun na `yun! Ang paggawa nito ang isa sa mga patok na gawain ng mga taong tila wala nang social life, hindi nabibigyan ng atensyon sa totoong buhay kaya naman dito humihingi ng atensyon. Limos daw ba. `Yun nga lang, pag gumawa ka nito, asahan mo nang magde-deactivate ka rin pagkalipas ng ilang araw dahil sa mga pambabara, panlalait, pang-aalipusta sa’yo ng mga tao dito.
- Awayin ang mga ~*TuMbLr FaMoUs*~. Madalas itong ginagawa ng mga gumagawa ng hate site. Mag-aasta silang critics dahil sa sobrang paghithit ng kili-kili nila. At syempre bilang fangirls at fanboys, pagtatanggol naman nila ang idolo. Kahit ang karamihan sa kanila eh hindi naman talaga alam ang ugali ng mga idolo sa totoong buhay.
- Maliin ang grammar. Lalo na kung sa “About Me” `yan nakalagay. Naku po! Patok na patok! Madalas eh kapwa Pilipino mo pa ang ookray sa’yo! Amen! Pero `yung iba naman eh talagang sasabihin lang sa’yo ang mali mo, wala nang kasamang pagnanasang gamitin ka para dumami ang notes nila.
- Pagmamakaawa sa isang tao na i-promote ka at ireblog ang mga posts mo. Usong uso sa mga baguhan. Dahil sikat na sikat ang Tumblr, akala nila eh Friendster, Myspace at Facebook ito na paramihan ng notes (kapalit ng likes) at followers (kapalit ng friends), Ita-TumblrAsk ka, akala mo napakaimportanteng tanong o hihingi ng advice, `yun pala.. Gusto lang na ipromote mo siya. Pwede narin natin isama rito ang mga nagpapa-follow back.
- Gaguhin ang mga iniidolo ng mga tao dito. Example ng mga iniidolo at kinaadikan ng mga tao dito ay ang KPOP, JPOP, Mga banda sa Pinas man o sa ibang bansa, Glee, at kung anu ano pang uso sa mga kabataan ngayon.
- Gumawa ka ng chismis tungkol sa mga tao dito. Spill mo narin lahat ng sikretong alam mo lalo na tungkol sa mga kaibigan mo na mayroong account dito sa Tumblr (kung meron ka mang mga kaibigan. Hehe). Lahat! With matching pictures pa nila, ha. Oh kaya naman, para hindi halata, magbigay ka nalang ng clue. Pero dapat `yung tipong pati si Patrick Star eh mage-gets kung sino tinutukoy mo.
At ang pinaka huli sa lahat..
- I-TumblrAsk ang sarili, magpanggap na hater, PERO WAG KANG MAG-ANONYMOUS. Oo! `Yan ang bentang benta dito, kapatid! Jaraaaan! Asteg much. Sa lahat, eto ang pinaka magandang subukan ng isang baguhan para sumikat! Pagsabay-sabayin mo pa ang Paglait sa mga Pilipino, kay God, pag-away sa mga ~*TuMbLR FaMouS*~ at mali-maling grammar, bongggang bonggang daig mo pa ang notes na nakukuha ng Harry Potter, KPOP at Justin Bieber posts! Seryoso! RakEnRol Kapatid! \m/
Goodluck sa mga sandamakmak na magpapalayas sa’yo dito sa Tumblr. Goodluck din sa mga matatalas na pananalita at mura ng mga ~*TuMbLrIsTaS*~ na kulang nalang eh puntahan ka sa lungga mo, ipa-rape ka sa kuto, balatan ka ng buhay, buhusan ng kumukulong tubig na may asin at kiti-kiti, kalbuhin sa pamamagitan ng pagsabunot (tig-tatatlong piraso para “I hate you,” kasama narin sa mga bubunuting buhok ay ang PH at ang buhok sa buong katawan, /deadz ka kung balbon ka) at gawing isaw ang bituka mo.
Kung gusto mo, gawin mo lahat `yan. Sabay sabay! `Yun nga lang, sobrang masisira ang reputasyon mo, baka pati ang buhay mo sa labas ng bahay (kung meron ka mang “buhay”) eh maapektuhan. Baka mamaya paglabas mo ng bahay eh bigla ka nalang saksakin ng mga nabwisit sa’yo ang lahat ng parte ng katawan mo sabay pi-picture-an at ikakalat ulit sa Tumblr.
Aba, kahit na mangyari sa’yo lahat ang mga masasamang pwedeng mangyare sa’yo, at least, sikat ka. Hehe. `Yun nga lang, sira ang buhay mo (again, kung meron ka man). Daig mo pa ang nahulog mula langit hanggang impyerno. Tsk tsk tsk.