Tuesday, November 23, 2010

3rd Monthsary


Happy 3rd monthsary Pii/Boyfran/Future Hubby/Pupii/Asawa ko! I love you so much! Ajiji. :""> Maraming maraming salamat sa pagtya-tyaga sa akin nang tatlong buwan! Awoo! Party party! Hahaha! Akalain mo `yun, sa ugali kong `to, napagtyagaan mo ako?! :O Elibs talaga ako sa'yo! ;)

Anyway, for the sake of my readers (kung meron man, bukod sa'yo. Hahaha!), iku-kwento ko ang mga nangyare kanina kahit hapon palang ngayon! Excited ako eh, bakit ba?! :)) Magdadagdag nalang ako ng mga detalye dito mamaya kung mayroon pang mangyayare mamayang gabi. (Dear readers, `wag marumi ang isip. Alam kong ang iba sa inyo ay iniisip na ang, "Alam na!" Pero hindi. Hindi `yan. Magkaka-chat lang kami mamayang gabi, wholesome chat. Hahaha! Ayusin niyo utak niyo!)

Kahapon niya pa sinasabi sa'kin na meron siyang surprise ngayon. So syempre pagkarating na pagkarating ko sa school eh binati ko agad siya ng "Happy monthsary" at tinanong ko nasaan ang surprise niya para sa'kin! :)) Sabi niya mamaya na raw.. Ehdi hintay mode naman ako habang kinukulit ko siya na ipakita na sabi sa'kin! Pagkarating namin sa harap ng classroom ko, ipinakita na niya sa'kin ang surprise niya. Napa-WOOW/WAA talaga ako! :""> Gusto mo makita? Bayad muna! Joke. Eto oh:


Yie! Kilig vibes all over! Hehe. Hihi. Hihihihihi. :""> Hawak hawak niya `yang mga `yan kanina. Dinala ko sa klase ko. Hehe. :""> Sobrang na-touch ako. :""> Hindi ko akalaing gagawa siya ng ganyang klaseng ka-sweet-an dahil nung mga nakaraang buwan eh mejo kulang siya sa effort. Jejeje. Natuwa talaga ako. Eto pala pinag-iipunan niya nung mga nakaraang linggo. Feeling ko tuloy ginugutom ko siya. HNNGGG~

Ehem, moving on.. Dear Pii, sorry kung hindi ako masyado nagtagal. Alam mo naman kung bakit, ano? Sabihin ko pa sa iba pang readers kung ano ang dahilan? Osige, masakit kasi dede/joga/boobs ko! Oo, meron akong boobs! Sa maniwala man kayo o hindi, mayroon. Gulat kayo noh? Hehe. Almost flat boobs kasi eh. Hoopah! Nagawa pang sumakit! :))


Ayun nga, nung dumating na sundo ko, syempre ihinatid niya ako dibey? Pero bago pa kami bumaba, syempre.. Picture picture muna! ;) At aba, may extra pa sa likod! Hello Roskie! =))