Tuesday, November 23, 2010

Ang Alamat ng Red Tide

Noong unang panahon, sa Baryo Tralala, ay mayroong nakatirang isang magandang sirenang kumakain ng mga taong mahilig kumain ng isda. Pero hindi ito totoo dahil imahinasyon lamang ito ng isang adik sa baryong `yun na mahilig humithit ng alikabok sa electric fan at ng sarili niyang kili-kili. Ang pangalan ng adik na ito ay Estepanyo.

Si Estepanyo ay sobrang puti, matangkad, may pambihirang lakas, nakakabasa ng isip, may matatalas na pangil at kumikinang sa liwanag. Ay teka! Mali mali! Si Edward Cullen pala ang nailarawan ko! Tsk tsk tsk. Hehe. Kilala niyo ba si Edward Cullen? Siya `yung bidang diwata este bampira sa libro/pelikulang Twilight! RakEnRol! \m/

Ehem, anyway.. Si Estepanyo ay isang maitim na binatilyo, bungi-bungi at ang mga natirang ngipin ay bulok o may sira, mukang buwan dahil sa dami ng crater sa muka, may katangkaran, at patpatin ang katawan na talo pa ang mga anorexic na modelo (modelo ng inuuod na patis).

Mahirap lang sina Estepanyo. Ang nanay niyang si Aling Dionisia ay kubrador at labandera. Ang tatay niya namang si Mang Julius Ceasar ay matagal nang nasa kulungan dahil sa pag-rape sa alagang ipis ng kapitbahay. May dalawa rin siyang kapatid na mas bata sa kanya ng 2 taon, Sina Kaloy at Carlito. Kambal ang dalawa. Malamang, alangan namang triplets ang dalawa diba? Ehem, si Kaloy ay chick boy, dahil narin siguro sa pagiging tall, dark and handsome. Oo, tall as in matangkad, dark as in sobrang itim na parang ginawa nang panghilod ang uling, at handsome as in handsome-a-ng-itsura. si Carlito naman ay may berdeng dugo, hindi dahil sa Lasalyano o alien siya, kundi dahil isa siyang bading/bakla/beki. Bata pa lamang ito nang mapansin nina Estepanyo na ginagawa nitong buntot ang punda ng unan para makapagpanggap na sirena. Ginagawa rin nitong gown ang kumot na may ihi pa, at paminsan-minsan.. Tae.

Binibisita parin ng pamilya ang ama sa bilangguan. Nasentensyahan ito ng habambuhay na pagkakakulong dahil sa kasong rape. Dagdag pa rito, sinasamba rin kasi ng kapit bahay ang nabanggit na ipis. Sacred, kumbaga. Amen! Ngunit paano nga ba naging adik (sa paghithit ng alikabok ng electric fan at ng kanyang kili-kili) si Estepanyo? Ganito `yan.. Nagsimula sa patikim-tikim.. Bisyo'y nagsimulang lumalim. Hehe.

ITUTULOY..
Antabayanan ang susunod na kabanata ng kwentong ito na puno ng kababuyan, kahalayan, kabaklaan, at kung anu-ano pang kagaguhan na paniguradong hindi kapupulutan ng aral. Ito ang istorya para sa mga tao, hayop, bagay, o sadyang adik lang na nasobrahan sa pagpapak ng Racumin at paglaklak ng muriatic acid. Maraming salamat sa kunwaring pagbasa ng istorya na ito! Huzzah! :D