Monday, January 3, 2011

So Hindi Ako Nakapag Post Kahapon

Eh ano naman? Babawi naman ako ngayon oh. TROLOLOL. Oo na, nag-promise na nga ako. Hindi naman buong Promise `yung nakasulat dito eh -> chicharox.blogspot.com/2011/01/happy-new-year. Pramis kaya `yung nakasulat. Kaya hindi counted sa list ng promises ko `yun. Charot. =))

Excuses. Pfft. Luls. Anyway, gusto ko lang i-share ang mga napansin ko nung New Year's eve.

  • Mga lumabas na luga at nabingi o mejo nabinging mga tenga
Ewan ko lang sa iba ha. Pero ako wala naman kasi akong luga. Pero mejo nabingi ako sa lakas ng mga paputok. Hanggang ngayon sumasakit parin ang tenga ko. Wala, wala akong tutuli dahil kakatanggal ko lang nun. Sadyang mejo nabingi lang talaga ako sa mga paputok na parang nasa tabi ko lang sa sobrang lakas kaya napapasigaw tuloy ako sa gulat na parang ganito:


Joke lang. Gusto ko lang talagang maglagay ng GIF pictures sa mga text posts ko para bongga. Naaaliw ako eh. Hehe. Naisip ko rin nung New Year, dapat pala hindi ako naglinis ng tenga. Para naprotektahan ng mga tutuli ko ang mismong tenga ko at hindi ako masyadong nabingi.
  • Mga tumitili sa bawat paputok na pumuputok
Siguro naman kahit 1 jan sa lugar niyo eh may nagtitilian o sumisigaw sa tuwing may pumuputok na paputok diba? Lalo na kung mala-Goodbye Philippines ang puputok at sa mismong muka pa nila pumutok. Echos. Mehehe. Inaamin ko, ganyan ako nung New Year. Hihihi. Sa bawat putok eh sumisigaw kahit hindi naman talaga nagulat. Wala lang. Wala naman kasi akong paputok at nakakahiya narin naman magtorotot kaya sumigaw nalang ako para makagawa ng ingay. TROLOLOL.

  • Mga nagmo-motor na may mga nakaangkas pang kakaway-kaway na feeling artista o politiko at mga nagba-bike na may hila hilang mga lata, bubong at kung anu ano pang nag-iingay
Do I need to explain this? Siguro nga. Kung sosyal ang village niyo kaya walang ganito. Mehehe. Tss. Ilang beses na may dumaan sa street namin na mga ganito eh. Feeling mga gwapong artista na kumakandidato para maging janitor sa village. Tss. Busina nang busina para makapagingay. Sana nagpatugtog nalang kayo. Music, dudung? TROLOLOL. Mas maganda pa sa pandinig. Oh well. Motor nila `yun eh. Bakit ba? Teka, kanilang motor nga ba `yun? Meh.


Eh ano naman kung horse (na may kinakaladkad na tao) ang nasa GIF ko? Chos. `Yan lang nakuha ko eh. :))

So `yun nga. Tungkol naman dun sa mga nagba-bike na may hila hilang kung anu anong anik anik tulad ng lata, bote, dyaryo (?), bubong, bubong ng bahay nila, bubong ng kapitbahay nila, yero, at kung anu ano pang lumilikha ng ingay tulad ng baby, bata, at kung sinu sino pa pero joke lang `yung mga bata wag muna kayong magmura New Year na. Mahaha.

Nakakatanga lang. Paano kaya kung may masabitan silang kotse na tipong kakabili lang at kulang pa buhay nila bilang pambayad? Ano kayang gagawin nila? Though wala naman akong nabalitaang ganun o siguro kasi hindi ako lumalabas ng bahay kaya wala akong nababalitaan. Hehe.
  • Mga batang nagpapaputok parin at nagtotorotot
Pati ba pagtorotot pinagbawal narin? O.A. TROLOLOL. Pero sumasangayon ako sa pagbabawal sa paggamit ng mga paputok ng mga kabataan. Tama ba? Kabataan lang ba pinagbawalan? Echos. Mga naukuha kong balita eh. Hindi ko alam buong istorya. Ni hindi ko alam kung balita nga `yun sa radyo/TV/dyaryo o sa imahinasyon ko lang eh. Luls. XD Kasi nga delikado eh. At madalas kapag bata ang gumamit eh hindi masyadong maingat.

Kung totoo man ang balitang `to o hindi. Well, epic fail lang kasi andami paring mga kabataan ang nagpaputok. Uhm, nagpaputok ng paputok ha. Hindi `yung uhm, paputok na nakakabuntis. Mehehe. Paputok na nakakabuhay. Ano daw? Hindi mo gets? Tama `yan. Pagpatuloy mo lang at wag mo nang alamin kundi masisira lang ang buhay mo't mamalasin ka hangga't nabubuhay ka pa.


Eh ano naman kung hindi torotot `yan? Fan ako ni Hayley Williams eh. Bakit ba. Kaya gusto ko siyang ilagay dito.

Joke. Wala kasi akong makitang GIF na nagpapaputok na bata o kaya nagtotorotot. Mehehe. Eh muka namang nagiihip ng torotot si Hayley dito. Echos. Katamad lang talaga maghanap. Heh. Hindi madali maghanap ng GIF noh.

At dahil tinatamad na ako nang bonggang super duper, next time ko nalang dudugtungan. Pumapart-two! Pero pag tinamad ulit ako, hindi ko na itutuloy. TROLOLOLOLOLOL. Deal with it. Oh siguro next year ko nalang ulit itutuloy. Tamuhh! :-bd Gulo lungs.

Basta eto lang payo para sa mga nagbabalak nanaman magbawas ng daliri at ingrown sa paa sa susunod na Bagong Taon:

Wag niyong hintaying maging abo kayo gaya ng pagkamatay ng pet unicorn ko nung bagong taon.


NOTE: The GIF pictures used in this text post are from http://www.tumblr.com/